Elma Muros, celebrity athlete, is now an actress


Elma Muros, celebrity athlete, is now an actress

Elma Muros (left) plays the role of Coach Rose, who trains Thelma, a runner portrayed by Maja Salvador (right) in reel and real life. Says Elma: “Ang performance ni Maja maganda from start to finish. Talagang pinush ko siya. Kasi mahirap sa isang artista ang hindi ma-feel kung ano yung sinasabing 1,500 meters sa long-distance running.”Glen P. Sibonga

Elma Muros, celebrity athlete, is now an actress

Glen P. Sibonga

Sunday, November 7, 2010 09:03 PM

 

 

Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang last training day ni Maja Salvador kaninang umaga, November 6, sa Ultra Track and Field Oval sa Pasig City.

Naghahanda ang aktres para sa pelikula na pagbibidahan niya na pamagat ay Thelma, kung saan isang runner ang role niya. Sa Martes, November 9, kasi ay magsisimula na sila mag-shooting sa Ilocos Norte.

Nasaksihan nga ng PEP kung gaano kahirap ang pagte-training na ginagawa ni Maja sa ilalim nina champion athlete Elma Muros at ng asawa nitong si Coach Jojo Posadas.

Kasama nila sa training ang direktor ng Thelma na si Paul Soriano. Present din doon ang producers na sina Rino Que at Samantha Chavez-Que, pati na rin ang isa sa cast members na si Tetchie Agbayani.

MAJA’S COACH. Kinausap ng PEP ang coach ni Maja na si Elma para kumustahin ang performance ng young actress sa training.

“Tumakbo kami ng 1,500 meters. Ang performance ni Maja maganda from start up to finish. Talagang pinush ko siya. Kasi mahirap sa isang artista ang hindi ma-feel kung ano yung sinasabing 1,500 meters sa long-distance running.

“So, I’m very proud of Maja kasi bilang artista mahirap po yun e. Hindi naman siya athlete sa totoong buhay,” pahayag ni Elma.

Hinahangaan niya raw si Maja, kaya panay papuri para sa aktres ang bukambibig nito.

“Madali siyang turuan. Kasi tumatakbo na siya sa treadmill. Tapos may muscles na rin siya kasi nagda-dance pala siya. So, madali siyang maka-catch up. Tapos kahit papaano, may endurance na. Yung porma na lang. I’m sure makukuha niya rin yun.”

In real life, athletics coach sa Brent International School si Elma at ang kanyang asawa.

FIRST MOVIE ROLE. May special guest appearance si Elma sa pelikula bilang Coach Rose, ang coach ni Thelma, na gagampanan naman ni Maja.

Aminado si Elma na kinakabahan siya dahil for the first time, ay aarte siya sa pelikula.

Bagama’t nauna na siyang napapanood bilang isa sa castaways ng Survivor Philippines Celebrity Showdown ng GMA-7, ibang-iba raw yung pakiramdam na sasabak sa kanyang first movie.

“Dito sa Thelma kinabahan ako kasi first time ko talaga ito. Pero sabi ni Direk Paul, parang sarili ko rin naman ang gagampanan ko rito. Bilang coach sa totoong buhay, yun din ang role ko sa movie,” paliwanag ni Elma.

“Kaya sabi niya ang kailangan ko lang daw ay i-memorize yung mga linya at ibigay ang tamang emosyon. Nandiyan naman si Direk, I’m sure hindi niya ako pababayaan.”

Para sa kanya, ano ang mas mahirap, ang tumakbo o umarte?

“Palagay ko yung umarte. Kasi yung tatakbo ka, sandali lang yun e, mabilis lang yun. Yung umarte, talagang magsasalita ka. Ano ang sasabihin mo? Pero yun nga… naging coach naman talaga ako sa totoong buhay. Kaya siguro magiging madali na rin sa akin.”

Ngayong nasimulan na niya itong pag-aartista, tuluy-tuloy na ba ito?

“E kung blessing na ni Lord at gumanda ang pag-arte ko, bakit hindi? Makadagdag din ito ng kikitain ko para sa family ko. Hindi naman kahiya-hiya ito, malinis naman na hanapbuhay ito. Kasi binibigyan ka ng pagkakataon so, i-grab ko din,” sagot ni Elma.

Kung papipiliin siya, saan niya mas gusto – sa drama, comedy o action?

article by Glen B. Sibonga

http://www.pep.ph/news/27303/Elma-Muros,-celebrity-athlete,-is-now-an-actress

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s